Isang matagumpay na pagbubukas ng bagong tayong Emergency Operation Center (EOC) ng Odiongan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na ginanap sa lungsod ng Odiongan nito lamang Mayo 2, 2024.

Pinangunahan ni Mayor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic, at Vice Mayor Diven Dimaala, ang ribbon cutting ceremony kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga unipormadong kawani ng Odiongan Municipal Fire Station, at mga miyembro ng Odiongan MDRRM Council.

Sinundan ang seremonya ng Rites of Blessings na pinangunahan ni Rt. Revd. Ronelio V. Fabriquer, ang Diocesan Bishop ng IFI Romblon & Mindoros.

Ang bagong gusali ay magiging sentro ng komand ng Odiongan sa oras ng anumang sakuna o kalamidad. Nilalaman nito ang mga rescue equipment ng MDRRMO, pati na rin ang kanilang opisina at operation center.

Sa pagtatag ng EOC, inaasahan na mas mapapabilis at mas mapapadali ang koordinasyon at pagtugon sa mga emergency situation sa lugar.

Sa kabuuan, ang pagbubukas ng bagong EOC ay nagpapakita ng patuloy na pagpapahalaga ng pamahalaang lokal ng Odiongan sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga mamamayan.

Ito rin ay nagpapakita ng kanilang determinasyon na maging handa at organisado sa harap ng anumang hamon na maaaring dumating.

Source: Odiongan Public Information Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *