Ininagurahan ang bagong ayos na ML Quezon Street sa bayan ng Cajidiocan, Romblon nito lamang April 9, 2024.
Sinuportahan ni Senator Bong Go ang proyektong ito para sa patuloy na pagtahak tungo sa pag-unlad at pagpapabuti ng imprastraktura sa lugar.
Ipinahayag din ni Senator Bong Go ang kanyang paghanga sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan sa pagpapabuti ng kalsada.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng proyekto hindi lamang sa aspeto ng imprastraktura kundi pati na rin sa pag-unlad ng transportasyon at pamumuhay ng mga residente sa nasabing munisipalidad.

Bukod sa pagbibigay-suporta sa rehabilitasyon ng kalsada, naghandog din si Senator Bong Go ng tulong sa mga kababayan na nawalan ng trabaho sa munisipalidad.
Sa pamamagitan ng kanyang serbisyo, ipinapakita ni Senator Go ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga komunidad na naapektuhan ng mga hamon tulad ng kawalan ng trabaho.
Sa pangkalahatan, ang pagbisita ni Senator Bong Go sa Cajidiocan, Romblon ay nagdulot ng bagong pag-asa at inspirasyon sa mga mamamayan. Ang pagsusumikap at suporta ni Senator Go ay naglalayong magkakaroon ng mas magandang kinabukasan ang bawat Pilipino upang makamit ang tunay na pag-unlad at kaunlaran tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Bong Go (Senator Bong Go)