Pormal nang binuksan ang Urawa Trade Fair ng Department of Trade and Industry (DTI) Masbate sa Masbate Sports Complex nitong Martes, Abril 9, 2024, kaugnay ng Rodeo Festival 2024.

Pinangunahan ni Regional Director Dindo Nabol ng DTI Bicol ang pagbubukas ng nasabing trade fair upang maipakita ang iba’t ibang gawang mga produkto sa probinsya ng Masbate.

Layunin nito na tangkilikin ng mga bumibisita sa lugar na makakatulong upang mas umangat pa ang mga produkto mula sa Masbate.
Source: Bicol.ph