Pormal na binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang Provincial Employees Unity Game 2024 na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Bukod sa pagiging epektibong manggagawa, nais din ng palaro na mapalakas ang pagkakaibigan, pwersa at pagkakaisa bilang isang kawani ng pamahalaang panlalawigan upang makamit ang minimithing layunin sa mga proyekto at serbisyo.

Magtutunggali ang anim na cluster sa iba’t ibang larangan ng sports na pangangasiwaan ng Provincial Sports Office sa pamumuno ni Coach Aris Mercene.

Samantala, nagpaabot ng mensahe at suporta si Provincial Administrator Manny Butardo at mga pinuno ng bawat tanggapan.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *