Manito, Albay- Isang pawikan ang namataan ng mga residente sa dalampasigan at agad tinurn-over sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Barangay Cawit, Manito, Albay nito lamang Disyembre 12, 2023.

Ang pawikan ay may habang 93cm at lapad na 83cm na posible umanong na stranded sa nasabing dalampasigan at matagumpay na naiturn-over sa MENRO LGU-Manito.

Samantala, ayon sa MENRO LGU-Manito ay papakawalan din ang pawikan kapag natiyak na nila na nasa maayos na itong kundisyon upang makabalik na ito sa karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *