Binigyan ng pagkilala ng Department of Health (DOH) Bicol ang lalawigan ng Catanduanes bilang isang top performing province sa Bicol Region pagdating sa implementasyon ng mga programang pangkalusugan sa katatapos na Salud Bikolnon Awards nito lamang Disyembre 14, 2023.

Iginawad sa Probinsya ng Catanduanes ang Green Achiever Award sa isinagawang Salud Bikolnon Awards ng DOH sa Marison Hotel, Legazpi City, Albay.

Maliban din dito ay humakot din ng ibang parangal ang lalawigan ng Catanduanes at umabot sa mahigit isang milyong piso ang naiuwing papremyo.

Ang “Salud Bikolnon Awards” ay ang pinaka prestihiyoso at pinakamatagal na running awards na isinasagawa ng DOH Bicol para kilalanin ang mga LGUs at mga grupo at institusyon na nagpapakita ng kahusayan sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *