Matagumpay ang isinagawang paghahatid ng libreng Flu Vaccine sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan mula ika-6 hanggang ika-10 ng Enero 2025.
Ang programang ito ay inisyatiba ni Mayor Malou Flores Morillo. Nakapagbigay na ng bakuna ang City Government sa mga Barangay ng San Vicente, Sto. Niño, Camilmil, Ibaba, Panggalaan, Bucayao, Managpi, Batino, Gulod, Camansihan, Ilaya, Libis, Pachoca, Balite, Comunal, Personas, Biga, Canubing, Patas at Balinggayan.
Ang trangkaso o flu ay isang nakakahawang karamdaman sa paghinga na dulot ng mga influenza virus na nahahawaan ang ilong, lalamunan at minsan ang mga baga. Maaari itong magdulot ng mild o katamtaman hanggang severe o malubhang sakit.
Layunin nitong maiiwas at maprotektahan ang bawat mamamayan sa sakit at mapanatiling malusog ang pangangatawan ng bawat isa.
Source: Mayor Malou Flores Morillo