Matagumpay na isinagawa ang Expanded Health Program na ginanap sa Barangay Sto. Niño, Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika-7 ng Enero 2025.

Ang Expanded Health Program na inisyatiba ni Calapan City Mayor Malou Flores Morillo ay naglalayon na lubos na maalalayan at maserbisyuhan ang taumbayan pagdating sa usaping pangkalusugan.

Bahagi ng programa ang libreng Anti-Pneumonia at Flu vaccine, Health Card Services (membership & renewal), eyeglasses referral, libreng konsultasyon at gamot, ilan lamang ito sa mga napakinabangan ng mga nangangailangan nating mamamayan.

Samantala, nangako naman ang Ina ng Lungsod na kaniyang ipagpapatuloy ang pagbababa at pagbabahagi ng mga tamang programa at proyekto para sa mga Calapeño.

Source: Mayor Malou Flores Morillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *