Nakaantabay ang mga kapulisan at emergency response teams ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga deboto at bisitang dadalo sa Banal na Misa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Diocese of Legazpi.

Pangungunahan ni College of Cardinals Dean Cardinal Antonio Tagle ang naturang pagdiriwang na inaasahang dadaluhan ng maraming mananampalataya.

Patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko, seguridad, at agarang pagtugon sa anumang emergency sa buong aktibidad.

Hinihikayat ang lahat ng dadalo na sumunod sa mga panuntunan ng mga awtoridad at makipagtulungan upang maging ligtas, maayos, at mapayapa ang makasaysayang pagdiriwang na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *