Pinangunahan ng Police Regional Office 4A (PRO 4A), sa pamumuno ni PBGEN DOMINIC L. BACCAY, Regional Director, bilang Guest of Honor and Speaker (GOHS), ang inagurasyon at pagbabasbas ng bagong tayong Investigation and Custodial Facility, gayundin ang seremonyal na turnover ng isang patrol car at mga motorsiklo para sa Sto. Tomas City Police Station sa Barangay Poblacion 1, Sto. Tomas, Batangas.
Naisakatuparan ang mga proyektong ito sa pamamagitan ng suporta at pagkakaloob ni Hon. Arth Jhun A. Marasigan, City Mayor ng Sto. Tomas, Batangas, na nagbigay ng donasyon para sa pagtatayo ng pasilidad at pagbibigay ng mga sasakyang magpapalakas sa kakayahan ng lokal na kapulisan sa pagsasagawa ng kanilang mga operasyon.
Ipinapakita ng mga kontribusyong ito ang matibay na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Philippine National Police (PNP) sa pagpapabuti ng mga serbisyo sa imbestigasyon at pangangalaga sa mga nakakustodiya, pagpapahusay ng kakayahang makakilos ng mga pulis, at paghahatid ng mas episyente, maagap, at maaasahang serbisyo sa komunidad.
Sa pamamagitan ng B.E.S.T. Policing Framework — Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust — patuloy na pinatitibay ng PRO 4A ang kakayahan nito at muling pinagtitibay ang pangako nitong pangalagaan ang kaligtasan ng publiko at maglingkod sa mamamayan ng CALABARZON.
