Asahan na ang mas handa at mabilis na tugon sa mga kalamidad at iba pang sakuna matapos inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Region IV-A ang paghahanda sa pagbubukas ng bagong regional warehouse ng kagawaran sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa DSWD Region IV-A, tinatayang 300,000 family food packs at 50,000 non-food items tulad ng mga hygiene kits at sleeping kits ang kayang iimbak sa bagong warehouse.

Sa tala ng ahensya ay nasa 75 satellite warehouses na ang kabuuang bilang ng pasilidad na mayroon sa buong rehiyon ng Calabarzon, inaasahang makakatulong ang bagong warehouse para sa mas mabilis na pagpapaabot ng tulong sa anumang oras na kakailanganin ng suplay.
Source: PIA CALABARZON