Humihingi ng tulong ang pamahalaang bayan ng Bulalacao sa Department of Agriculture (DA) para sa subsidiya sa diesel na gagamitin ng mga magsasaka sa pagpapatakbo ng mga water pump at pagpapatubig sa kanilang mga palayan.

Ayon kay Mayor Lumelito Cabagay, dulot ng matagal na tagtuyot ang pagkatuyo ng mga sakahan at pagbaba ng tubig sa mga ilog at irigasyon. May mga palay na rin umanong nagpapakita ng senyales ng sakit, na maaaring magdulot ng pagkalugi sa produksyon.

Bukod dito, nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng halos araw-araw na paghahatid ng tubig sa mga komunidad na nakararanas ng kakulangan sa suplay. Pinag-aaralan din nito ang posibleng deklarasyon ng state of calamity habang patuloy na pinaiigting ng pambansang pamahalaan ang mga hakbang upang maibsan ang epekto ng tagtuyot at El NiƱo.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *