Nananatiling naka-alerto ang Philippine National Police sa ikalawang araw ng religious rally upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan ng pagtitipon sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 1, 2026.
Ayon kay Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP, nagdeploy ang PNP ng sapat na bilang ng mga pulis sa loob at paligid ng venue upang magsagawa ng mahigpit na pagbabantay, pamamahala ng daloy ng trapiko, at agarang pagtugon sa anumang insidente o emergency na maaaring mangyari habang isinasagawa ang programa.
Ayon sa PNP, nagpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa mga organizer at sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na daloy ng aktibidad at ang kaligtasan ng libu-libong dumalo sa religious rally at pinapatupad ang maximum tolerance.
Hinikayat din ng PNP ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinatutupad na panuntunan sa seguridad at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Sa patuloy na pagbabantay ng mga awtoridad, inaasahang magiging mapayapa at maayos ang ikalawang araw ng religious rally.