Tumanggap ng tig-₱20,000 educational assistance ang limang napiling iskolar ng Barangay Luzviminda sa Puerto Princesa City mula sa Socio-Civic Projects Fund (SCPF) program ng national government.
Personal na iniabot ni Punong Barangay Laddy Gemang, na siya ring Liga ng mga Barangay Federation President-Puerto Princesa City Chapter, ang educational assistance sa mga iskolar.
Nagpapasalamat ang barangay kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa tulong at oportunidad na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo.
Inaasahan ng barangay na magsisilbing inspirasyon ang assistance sa mga iskolar upang lalo silang magsikap sa kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga pangarap sa hinaharap.
Source: PIA Palawan