Tatlumpung magsasaka mula sa Barangay Libato sa bayan ng San Juan, Batangas ang matagumpay na nakapagtapos sa ikatlong batch ng Farmer Field School (FFS) matapos sumailalim sa pagsasanay tungkol sa makabago at mas epektibong pamamaraan ng pagtatanim ng palay.

Kabilang sa mga nagsipagtapos ang mga kasapi ng Libato Farmers Association at Modern Farmers Association na nag-aral ng PalayCheck System ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagpapalayan.

Inaasahang maiaaplay ng mga magsasaka ang kanilang mga natutuhan upang mapataas ang produksyon at ani ng palay, mapahusay ang kanilang pamamaraan sa pagsasaka, at mapabuti ang kabuhayan ng kanilang mga pamilya.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *