SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) — Binigyan ng bagong oportunidad sa pagnenegosyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 25 out-of-school youth (OSY) at Alternative Learning System (ALS) learners sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Sa pamamagitan ng tatlong araw na Youth Entrepreneurship Program (YEP): Be Your Own Boss (BYOB) noong Nobyembre 10 hanggang 12, tinuruan ang mga kalahok ng pagbuo at pamamahala ng negosyo. Nagtapos ito sa Business Pitching Competition kung saan nakatanggap ng tig-P10,000 halaga ng business starter kits ang mga nagwagi.

Ayon kay DTI Occidental Mindoro Provincial Director Noel Flores, layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na gawing alternatibong kabuhayan ang pagnenegosyo at makatulong sa paglikha ng oportunidad para sa kanilang komunidad.

Patuloy ding gagabayan ng DTI ang mga nagwagi na sina Joedz Edrian Orpano, Rebeca China at Arold Sombise sa pagtatayo ng kanilang mga negosyo. Isinagawa ang programa katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Sablayan, ALS at Polytechnic University of the Philippines–Sablayan Campus, at planong gawing taunang programa sa lalawigan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *