CORON, Palawan — Personal na nagtungo sa Coron si DSWD MIMAROPA OIC Regional Director Princess T. Vagilidad upang pangunahan ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Cash Relief Assistance sa mga survivor ng insidente ng MV June Aster at makausap ang mga pamilyang naapektuhan.

Sa kasalukuyan, ₱270,000 halaga ng cash assistance ang nakalaan para sa 27 survivors na na-interview at na-validate ng AICS staff. Patuloy naman ang validation sa iba pang indibidwal na naapektuhan ng insidente upang matukoy ang kanilang mga pangangailangan at mabigyan ng kaukulang suporta.
Isasagawa ang pagtugon sa pakikipagtulungan ng Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Palawan, bilang bahagi ng pinaigting na koordinasyon upang mas mabilis na maihatid ang kinakailangang tulong sa mga apektadong pamilya.

Ang agarang paghahatid ng ayuda ay bahagi ng pagtugon ng pamahalaan sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa gabay ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tiyaking hindi maiiwan ang mga pamilyang naapektuhan ng insidente.
Source: PIA MIMAROPA