Iba’t ibang programa, serbisyo at tulong ng pamahalaan ang inilapit sa mga residente ng Quezon sa pagbubukas ng Handog ng Pangulo 2026 ngayong Setyembre 14 sa Quezon Convention Center.

Bahagi ng pagdiriwang ng ika-69 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang programa na naglalayong gawing mas madali para sa mga mamamayan ang pag-access sa mga pangunahing serbisyo at programa ng pamahalaan.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa mga Quezonian ang PhilHealth YAKAP consultations at benepisyo, serbisyong pangkalusugan, social protection assistance, employment at job-matching, livelihood at skills development, gayundin ang mga programa para sa senior citizens, kababaihan, kabataan at iba pang sektor.

Sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo, mas madaling nakakuha ng impormasyon, konsultasyon, tulong at iba pang serbisyo ang mga residente mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa iisang lugar.
Layon ng programa na higit pang mailapit sa mamamayan ang serbisyo ng pamahalaan upang maging mas mabilis, accessible at ramdam ng bawat Pilipino ang mga programa at tulong ng pamahalaan.
Source: PIA CALABARZON