Nasawi ang isang 29-anyos na lalaki matapos umanong makuryente habang nagkakabit ng signage sa bubong ng isang pares at mami eatery sa Barangay Poblacion, Malvar, Batangas.
Batay sa inisyal na impormasyon mula sa pulisya, isinasagawa ng biktima ang pagkakabit ng signage nang hindi umano sinasadyang makontak nito ang linya ng kuryente, dahilan upang makuryente siya at mawalan ng malay.
Agad namang isinugod ang biktima sa pagamutan para sa agarang lunas, subalit idineklarang dead on arrival ng mga medical personnel.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at iba pang detalye sa insidente. Pinapayuhan naman ang publiko na maging lubos na maingat sa pagsasagawa ng mga trabaho malapit sa mga linya ng kuryente upang maiwasan ang mga katulad na aksidente.
Source: Batangas News Online