Patuloy ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa mga residente ng 10 barangay sa Calapan City, Oriental Mindoro, bilang bahagi ng “Bawat Bahay Mabibigyan” Rice Assistance Program ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan ng pamahalaang lungsod ang distribusyon sa mga barangay ng Lumangbayan, Lalud, Tawiran, Masipit, Sta. Isabel, Guinobatan, Sapul, Bayanan 2 at Bayanan 1, bilang suporta sa “Bawat Barangay Makikinabang” Rice Assistance Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Layunin ng programa na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain ng mga pamilya, partikular ang mga kwalipikadong benepisyaryo, at mabawasan ang kanilang gastusin sa pangunahing pagkain.
Ayon kay Mayor Doy Leachon, malaking tulong ang rice assistance upang mapagaan ang gastusin ng mga pamilya at matiyak ang patuloy nilang access sa sapat na pagkain. Aniya, patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod ang mga programang naglalayong magbigay ng konkretong suporta sa mga mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan.
Source: PIA MIMAROPA