Nananatiling nakaalerto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A at patuloy na nagpapanatili ng sapat na relief resources upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga posibleng maapektuhan ng Bagyong Maymay at ng umiiral na southwest monsoon o habagat sa rehiyon ng CALABARZON.

Batay sa datos noong Agosto 6, 2026, may nakahandang 227,216 family food packs na nagkakahalaga ng ₱148.27 milyon, 11,630 ready-to-eat food packs na may halagang ₱8.88 milyon, at 11,119 non-food items na nagkakahalaga ng ₱21.57 milyon. Ang mga ito ay estratehikong nakaimbak sa 78 bodega sa buong rehiyon upang matiyak ang mabilis na pamamahagi sakaling kailanganin. Bukod dito, mayroon ding ₱3 milyon na standby funds ang tanggapan para sa agarang pagbili ng karagdagang relief goods at iba pang mahahalagang pangangailangan.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang malalaking insidente o mga pamilyang naapektuhan sa CALABARZON. Gayunpaman, patuloy na binabantayan ng DSWD Field Office IV-A ang lagay ng panahon at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kahandaan sa pagtugon sa anumang sakuna at matiyak ang maagap na paghahatid ng tulong sa mga komunidad na maaaring maapektuhan.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *