Limang mag-aaral mula sa Barangay Madalag sa bayan ng Alcantara, Romblon ang tumanggap ng tig-₱20,000 scholarship assistance sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang (BBM) Scholarship Program, isang programang isinusulong sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng educational assistance, kung saan lima sa kabuuang 24 na aplikante ang napili bilang mga benepisyaryo matapos sumailalim sa kaukulang proseso ng pagpili.
Layunin ng programa na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga kuwalipikadong mag-aaral upang maipagpatuloy at makumpleto ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Inaasahang makatutulong ang nasabing scholarship assistance upang maibsan ang gastusin ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya sa kanilang pag-aaral.
Source: PIA ROMBLON