Makakaranas ng hanggang 12-oras na pagkawala ng suplay ng kuryente ang halos buong bayan ng Mabini, Batangas sa Linggo, Agosto 2, 2026, mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, maliban sa mga lugar na sakop ng CKU Feeder.

Ayon sa Batangas II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC II), ang power interruption ay bunsod ng preventive at corrective maintenance na isasagawa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Batangas Substation. Dahil dito, kinakailangan ang shutdown ng Batangas–PLBSC 69kV Line upang maisagawa nang maayos at ligtas ang mga kinakailangang trabaho.

Nilinaw naman ng BATELEC II na hindi nangangahulugang buong franchise area nito ang maaapektuhan ng nasabing power interruption. Maaari ring maibalik ang suplay ng kuryente nang mas maaga kaysa sa itinakdang oras kung matatapos agad ang maintenance work ng NGCP.

Pinapayuhan ang mga residente at apektadong consumer na magsagawa ng kinakailangang paghahanda upang mabawasan ang anumang abala dulot ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *