SAN PEDRO CITY, Laguna (PIA) — Tumanggap ng laptop sets ang mga guro sa pampublikong paaralan sa San Pedro City, Laguna, mula sa Department of Education (DepEd) at lokal na pamahalaan bilang suporta sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.

Unang ipinamahagi noong Hulyo 28 ang mga laptop sa mga guro ng Key Stage 1 o Kindergarten hanggang Grade 3. Ayon sa DepEd Schools Division Office ng San Pedro City, layunin ng programa na mabigyan ang mga guro ng kinakailangang digital tools para sa mas episyente at makabagong pagtuturo.

Ayon kay Mayor Art Joseph Francis Mercado, bahagi ito ng pagkilala at pagpapahalaga sa sipag at dedikasyon ng mga guro sa paghubog sa kinabukasan ng mga kabataang San Pedrense.

Bukod sa laptop, nagtulungan din ang LGU at DepEd sa pamamahagi ng school supplies, uniporme, sapatos, at payong sa mga mag-aaral upang makatulong sa mga pamilya at mabawasan ang gastusin sa pag-aaral.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *