ODIONGAN, Romblon (PIA) — Anim na kabahayan sa mga liblib na komunidad sa Tablas Island ang nagkaroon ng access sa kuryente matapos makatanggap ng 1,000-watt solar lighting systems mula sa Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) sa ilalim ng Bahay-Liwanag at Kaligtasan Program.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA) at layuning mapalawak ang access sa ligtas, maaasahan, at sustainable na kuryente sa mga off-grid na lugar.

Ayon sa TIELCO, makatutulong ang solar lighting systems upang mapabuti ang kaligtasan at kabuhayan ng mga benepisyaryo, mabawasan ang paggamit ng kerosene at kandila, at mapababa ang gastusin sa enerhiya habang isinusulong ang paggamit ng renewable energy sa mga liblib na komunidad.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *