Patuloy na tinutulungan ng pamahalaan ang mga tsuper at iba pang manggagawa sa sektor ng transportasyon na naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng fuel crisis sa kabuhayan at operasyon ng mga transport worker. Kabilang sa mga ipinatupad na ayuda ang Cash Relief Assistance (CRA) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, gayundin ang ₱10 kada litro na diesel subsidy para sa mga pampasaherong jeepney at UV Express.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA, nasa 35,084 transport workers sa rehiyon ang nakatanggap ng Cash Relief Assistance sa ilalim ng AICS program bilang tugon sa epekto ng mataas na presyo ng langis.

Patuloy namang nakatuon ang pamahalaan sa pagbibigay ng kinakailangang suporta at ayuda sa sektor ng transportasyon upang makatulong na mapagaan ang kanilang gastusin, mapanatili ang kanilang operasyon, at maprotektahan ang kabuhayan ng mga tsuper at kanilang mga pamilya.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *