Tatlong negosyante mula sa MIMAROPA ang nagbigay ng karangalan sa rehiyon matapos makatanggap ng pambansang pagkilala sa Kapatid Mentor ME (KMME) Growth Champion Awards 2026.
Ipinakita ng mga awardee ang tagumpay ng mga lokal na micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pagpapalago at pagpapaunlad ng kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng mentorship, inobasyon, at patuloy na pagkatuto.
Patunay ito na sa pamamagitan ng tamang gabay, suporta, at makabagong pamamaraan sa pagnenegosyo, kayang makamit ng mga MSME sa MIMAROPA ang mas mataas na antas ng paglago at maging inspirasyon sa iba pang mga negosyante sa rehiyon.
Source: PIA MIMAROPA