Mahigit 6,000 pamilyang kabilang sa low-income sector sa rehiyon ng CALABARZON ang kabilang sa mga unang benepisyaryo ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang epekto ng energy emergency crisis na dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Sa pamamagitan ng UPLIFT Assistance Program, tinutulungan ng pamahalaan ang mga mahihirap na sambahayan upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng gastusin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng mga programang nagbibigay ng agarang suporta at proteksiyon sa mga Pilipinong higit na naaapektuhan ng pandaigdigang krisis sa enerhiya, kasabay ng pagpapatibay ng mga hakbang upang mapanatili ang kabuhayan at kapakanan ng mga mamamayan.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *