Inaasahang makatutulong ang Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project ng Japan International Cooperation Agency (JICA), katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pagbawas ng pagbaha sa mga pangunahing lungsod at bayan sa lalawigan.

Kabilang sa mga proyektong ipatutupad ang pagtatayo ng flood retarding basin, pagpapahusay ng mga ilog, floodways, drainage systems, at mga tulay upang mapabilis ang pagdaloy ng tubig-baha patungong Manila Bay. Makikinabang dito ang Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Rosario, at Tanza na madalas makaranas ng pagbaha.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mahalaga rin ang pakikiisa ng publiko at ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang sa disaster risk reduction upang higit na mapalakas ang kahandaan at katatagan ng mga komunidad laban sa kalamidad.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *