ODIONGAN, Romblon (PIA) — Pormal na itinurn-over ng Romblon Police Provincial Office (PPO) ang ilang Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Quick Impact Projects sa Barangay Victoria, San Andres, kabilang ang mga pasilidad pangkomunidad at dalawang bagong bahay para sa mga pamilyang nakatira sa hindi ligtas na tirahan.
Kabilang sa mga proyekto ang kiosk at toilet facilities sa Pader Falls, 22 household toilet facilities, water tank, at dalawang bagong “amakan” houses. Isinagawa ang mga ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP), mga lokal na pamahalaan, national government agencies, at komunidad.
Dumalo sa turnover ceremony sina Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” Madrona, PRO MIMAROPA Regional Director Brig. Gen. Christopher Dela Cruz, mga opisyal ng Romblon PPO, lokal na pamahalaan, at partner agencies. Ayon kay Dela Cruz, patunay ang mga proyekto sa positibong resulta ng whole-of-government approach sa pagpapabuti ng kalagayan at kalidad ng buhay ng mga residente.
Source: PIA MIMAROPA