BATANGAS CITY — Maagang sinimulan ang selebrasyon ng ika-57 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Batangas City sa pamamagitan ng Foundation Day Parade na nilahukan ng libo-libong residente at kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.
Dumaan ang parada mula sa Provincial Capitol patungo sa City Hall, tampok ang mga opisyal ng barangay, Sangguniang Kabataan (SK), mga kawani ng pamahalaan, iba’t ibang organisasyon, paaralan, pribadong sektor, gayundin ang mga street dancer at mini band na nagbigay-sigla sa pagdiriwang.
Ayon kay Mayor Marvey Mariño, naging matagumpay ang selebrasyon dahil sa malaking bilang ng mga lumahok at sa pagtutulungan ng buong komunidad. Tiniyak naman ng mga kinauukulang ahensya ang pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan upang maging maayos at matagumpay ang buong programa.
Source: PIA CALABARZON