Hindi naman umano basagulero ang estudyanteng nakipag-bardagulan sa isang school guard sa Quezon National Highschool sa Quezon Palawan base sa ulat ng Barangay Alfonso XIII.
Kung maaalala, mabilis na kumalat online ang video ng tila wrestling ng isang gwardiya at estudyante na ‘di umnao’y nagmula sa paghipak ng vape ng estudyante sa loob ng paaralan.
Hinatid lang umano kasi ng estudyante ang kaniyang module nang ma-‘curious’ sa isang vape na kinumpiska ng gwardiya mula sa ibang mag-aaral. Hinithit ito ng estudyante kaya sinita siya ng guard – nagkahabulan hanggang sa mangpangbuno ang dalawa sa labas ng paaralan.
Ayon kay Barangay Community Organizer Ronelio Lago, agad namang umamin sa nagawang mali ang estudyante at handa naman umanong harapin ang anumang mga kaukulang parusa na ipapataw sakaniya.
Hindi umano kokonsintihin ng mga magulang nito ang bata, kaya makikipagtulungan ito sa pamunuan ng paaralan sa kung ano man ang aksyong kanilang gagawin sa estudyante.
Source: 103.1 Brigada News FM – Palawan