Nakahanda sa posibleng epekto ng Low Pressure Area ang mga bumubuo ng Disaster Emergency Assistance Response (DEAR) at nagsagawa ng Formation and Accounting sa Camarines Sur Police Provincial Office nito lamang Miyerkules, Hulyo 1, 2026.

Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Virgilio O Olalia Jr., Provincial Director ng Camarines Sur PPO, isinagawa rin ang inspeksyon sa lahat ng disaster response equipment upang matiyak ang kahandaan ng mga tauhan at kagamitan sa anumang sakuna o emergency.

Patuloy ang Camarines Sur PNP sa kahandaan at pagpapanatili ng kaayusan at pagbibigay seguridad sa mamayan tungo sa pagsiguro ng kaligtasan sa panahon ng sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *