Aktibong nakilahok ang mga kawani ng Philippine Information Agency (PIA) CALABARZON sa isinagawang 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Hunyo 18 bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kahandaan sa sakuna.

Sama-samang isinagawa ng mga kawani ang “Duck, Cover, and Hold” bilang pangunahing hakbang sa pagprotekta sa sarili sa oras ng lindol. Layunin ng drill na mahasa ang kaalaman at kakayahan ng bawat indibidwal sa tamang pagtugon sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng lindol at iba pang kalamidad.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa NSED, muling pinagtibay ng PIA CALABARZON ang kahalagahan ng pagiging handa at mapagmatyag upang mabawasan ang panganib at maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng sakuna.
Source: PIA CALABARZON