CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Makabuluhang ginunita sa Lungsod ng Calamba noong Biyernes, Hunyo 19, ang ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ng isang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak at pag-alala sa kanyang mga aral, legasiya, at kontribusyon sa bansa.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aalay ng bulaklak sa dambana at tahanan ni Rizal. Nakiisa rin sa seremonya sina Calamba City Mayor Rosseller H. Rizal, Vice Mayor Angelito Lazaro, Lone District Representative Charisse Anne Alcantara-Hernandez, Laguna Governor Sol Aragones, mga opisyal ng pamahalaang lungsod, mga kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), iba pang ahensya ng pamahalaan, at mga kaanak ng pambansang bayani.

Bilang panauhing pandangal, binigyang-diin ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito ang kahalagahan ng pag-alala sa kasaysayan at mga sakripisyong inialay ng mga bayaning tulad ni Rizal para sa kalayaan ng bansa. Samantala, hinikayat naman nina Mayor Rizal at Vice Mayor Lazaro ang mga Calambeño na isabuhay ang mga pagpapahalaga ni Rizal, kabilang ang pagmamahal sa bayan, malasakit sa kapwa, at diwa ng pagbabayanihan. Ang pagdiriwang ng ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal ang pangunahing tampok ng Calambagong Buhayani Festival ng lungsod.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *