Tumanggap ng tulong pinansyal ang kabuuang nasa 1,850 benepisyaryo mula sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bayan ng San Vicente sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) noong Mayo 29.

Kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda ang 1,200 magsasaka ng palay, 27 magsasaka ng mais, at 623 mangingisda. Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P2,325.00 bilang suporta upang makatulong sa pagharap sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis, mga kalamidad, at iba pang krisis na nakaaapekto sa kanilang kabuhayan.

Ang PAFFP ay programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng iba’t ibang hamon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na ipinakikita ng pamahalaan ang pagkalinga at suporta sa mga magsasaka at mangingisda na may mahalagang papel sa pagtitiyak ng seguridad sa pagkain at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa natanggap na tulong, na anila’y malaking ginhawa upang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *