CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Tumanggap ng mga laptop at internet connectivity support ang mga dating rebelde sa Oriental at Occidental Mindoro sa ilalim ng Balik-Loob Reintegration Digital (BLRD) program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) MIMAROPA noong Mayo 19.

Kabuuang limang samahan ng mga former rebels na binubuo ng 231 indibidwal ang nabigyan ng laptop units at PLDT WiFi broadband modems sa isinagawang programa sa DICT Oriental Mindoro Provincial Office sa Calapan City.

Ayon kay DICT MIMAROPA Regional Director Emmy Lou V. Delfin, makatutulong ang mga kagamitan sa pagproseso ng mga dokumento at komunikasyon ng mga dating rebelde bilang bahagi ng kanilang reintegration sa lipunan.

Nagpasalamat naman ang isa sa mga benepisyaryo na kinilalang “Alyas Rose” dahil malaking tulong umano ang programa upang makasabay sila sa hamon ng makabagong teknolohiya habang muling binubuo ang kanilang buhay.

Dumalo rin sa programa sina National Intelligence Coordinating Agency (NICA) MIMAROPA Regional Director Felix Nelson I. Callos at DILG MIMAROPA representative Genriel Del Mundo.

Ang BLRD program ay bahagi ng reintegration efforts ng pamahalaan para sa mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay ng digital tools para sa komunikasyon, dokumentasyon, at access sa mga serbisyo ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *