Pinagtibay ng City Peace and Order Council (CPOC) ng Calamba City ang isang resolusyon para sa mandatoryong pagpaparehistro ng mga migranteng naninirahan sa mga barangay upang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Sa ginanap na pulong noong Mayo 12, sinabi ni Roseller Rizal na layunin ng panukala na magkaroon ng mas maayos at sistematikong monitoring sa mga bagong lipat na residente upang maiwasan ang pagpasok ng mga indibidwal na maaaring sangkot sa ilegal na gawain.

Ayon naman kay Dennis De Guzman, patuloy ang kanilang pinaigting na operasyon kontra krimen at ilegal na droga katuwang ang mga barangay. Batay sa ulat ng pulisya, bumaba ng 53.57% ang mga focus crimes sa lungsod noong Abril 2026 kumpara noong nakaraang buwan.

Suportado na ng konseho ang nasabing panukala at sasailalim pa ito sa karagdagang proseso bago ganap na maipatupad.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *