ODIONGAN, Romblon (PIA) — Ikinatuwa ng Isaiah Hospital and Medical Center sa Romblon ang pinalawak na maternity benefits ng PhilHealth na inaasahang magpapagaan sa gastusin ng mga buntis na ina sa pagpapaanak.
Sa ilalim ng bagong benepisyo na ipinatupad noong Abril 30, 2026, itinaas sa P29,000 ang coverage para sa normal delivery mula sa dating P9,750, habang umabot naman sa P58,000 hanggang P62,000 ang para sa cesarean section.
Ayon kay Isaiah Hospital and Medical Center CEO Diven Dimaala, malaking tulong ito lalo na sa mga pamilyang hirap tustusan ang gastusing medikal.
Dagdag pa ng ospital, inaasahang mahihikayat ang mas maraming buntis na magpatingin at manganak sa mga health facility upang masiguro ang ligtas na panganganak ng mga ina at sanggol.
Source: PIA MIMAROPA-Romblon