CALABARZON — Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Cash Relief Assistance (CRA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A para sa mga tricycle driver sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Noong Abril 16, 2026, mahigit 8,000 benepisyaryo mula sa mga lungsod ng San Pedro at San Pablo sa Laguna, gayundin sa Tanauan, Sto. Tomas, at Lipa sa Batangas, kabilang ang bayan ng Mabini, ang matagumpay na nakatanggap ng nasabing ayuda.

Ayon sa DSWD, ang Mabini ang kauna-unahang munisipalidad sa CALABARZON na nasimulan ang distribusyon ng CRA. Inaasahan na susundan pa ito ng iba pang mga bayan sa mga darating na araw bilang bahagi ng patuloy na rollout ng programa sa rehiyon.
Samantala, pinapaalalahanan ng ahensya ang mga tricycle driver na maghintay ng opisyal na anunsyo mula sa kani-kanilang local social welfare and development offices para sa iskedyul ng payout upang masiguro ang maayos at organisadong pamamahagi ng tulong pinansyal.
Patuloy ang panawagan ng DSWD sa kooperasyon ng lahat ng benepisyaryo upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa bawat payout activity.
Source: Batangas News