Isusulong ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang Walk to Work at Bike to Work Program upang hikayatin ang mga empleyado na maglakad o magbisikleta papasok sa trabaho sa gitna ng mataas na presyo ng gasolina.

Layunin ng programa na mapabuti ang kalusugan ng mga empleyado, mabawasan ang polusyon, at maibsan ang trapiko sa lungsod.

Pinag-aaralan din ng lokal na pamahalaan ang posibleng tulong sa pagbili o pagkukumpuni ng bisikleta ng mga kawani.

Kasama rin sa plano ang pagkakaroon ng insentibo sa mga lalahok, changing facilities at bike parking para sa mga empleyadong gagamit ng bisikleta.          

Ayon kay Mayor Marvey Mariño, makatutulong ang programa sa pagtitipid sa gastusin habang isinusulong ang mas ligtas at mas malusog na paraan ng transportasyon sa lungsod.

Source: PIO Batangas City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *