Pormal na pinasinayaan nina Ronnie Gil Gavan, Giovanni Lopez, at Erwin Tulfo ang Coast Guard District Kalayaan Island Group sa Pag-asa Island ngayong Abril 9, 2026, kasabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Sa suporta ni Ferdinand R. Marcos Jr., layunin nitong palakasin ang presensya at kakayahan ng Philippine Coast Guard sa lugar sa pamamagitan ng pag-upgrade ng yunit, pagdeploy ng karagdagang barko at eroplano, at pagpapahusay ng mga pasilidad at serbisyo.

Bahagi ito ng iCare program ng PCG upang mapalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng Kalayaan Island Group.
Source: PIA MIMAROPA