LEGAZPI CITY- Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ang pagbibigay ng subsidiya sa mga lokal na pamahalaan para sa implementasyon ng community pantry para sa transport sector.

Ito ay sa gitna pa rin ng krisis sa langis na nagpapahirap sa mga nasa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Sorsogon Provincial Spokesperson Dong Mendoza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na plano rin na bilhin ang mga isdang tambam mula sa mga mangingisda, partikular sa bayan ng Bulan.

Ito ay upang maiwasan na masayang ang mga huling isda at mailatag na lamang sa mga community pantry upang mapakinabangan ng mga jeepney drivers.

Kasunod ito ng mga ulat na maraming mga tamban ang itinatapon na lamang dahil sa kakulangan ng mga mamimili.

Sinabi ng opisyal na isa ito sa mga paraan upang matulungan ang mga Sorsoganon sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.

Source: Bombo Radyo Legazpi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *