Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon ang ikalawang tranche ng pamamahagi ng ayudang bigas sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kabilang sa mga benepisyaryong nakatanggap ng tulong ngayong araw ang mga residente ng Santa Maria, Romblon, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng programa na pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF).

Sa unang tranche ng pamamahagi noong Oktubre, umabot sa 23,879 mahihirap na pamilya sa lalawigan ang nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas mula sa mahigit ₱46 milyong pondong inilaan para sa programa. Layunin nitong maibsan ang gastusin ng mga pamilyang nangangailangan at makatulong sa pagtugon sa kanilang pangunahing pangangailangan, partikular sa pagkain.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *