CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Nagsimula na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA ngayong Miyerkules, Abril 8, sa pamamahagi ng Cash Relief Assistance (CRA) na nagkakahalaga ng P5,000 sa mahigit 3,000 tricycle drivers sa lungsod na ito.

Layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga tsuper ng tricycle na lubhang naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa DSWD MIMAROPA, ang nasabing ayuda ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na suportahan ang sektor ng transportasyon, lalo na ang mga maliliit na operator at drayber na umaasa sa arawang kita.

Inaanyayahan naman ang mga benepisyaryo na tiyaking kumpleto ang kanilang mga dokumento at sundin ang itinakdang iskedyul ng pamamahagi upang maging maayos at mabilis ang proseso.
Tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong sa iba pang lugar sa rehiyon upang mas maraming transport workers ang makinabang sa programa.
Source: PIA MIMAROPA