Mas mapapadali na ang pagsusuri ng lupa para sa mga magsasaka sa Palawan matapos ilunsad ang Mobile Soil Laboratory ng Department of Agriculture (DA)-MIMAROPA at Bureau of Soils and Water Management (BSWM).
Pinangunahan nina Palawan Governor Amy Alvarez at DA-MIMAROPA Regional Technical Director Ma. Theresa S. Aguilar ang pagbabasbas at inagurasyon ng pasilidad noong Marso 18 sa Provincial Capitol. Ito ang kauna-unahang mobile soil laboratory sa rehiyon na direktang maglilingkod sa mga komunidad ng magsasaka.
Layunin ng proyekto na mailapit ang soil testing services sa mga magsasaka upang agad na matukoy ang kondisyon ng lupa at makapagbigay ng tamang rekomendasyon sa paggamit ng pataba. Inaasahang makatutulong ito sa pagtaas ng ani at pagsusulong ng mas matatag at sustenableng sektor ng agrikultura sa lalawigan.
Source: PIA MIMAROPA