CALAMBA CITY, Laguna — Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) CALABARZON ang tuloy-tuloy na suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng krisis sa Middle East, kasabay ng pinaigting na repatriation efforts ng pamahalaan sa mga bansang kabilang sa Gulf Cooperation Council (GCC).
Ayon kay Regional Director April Casabuena, aktibo ang koordinasyon ng DMW sa mga embahada at migrant workers’ offices upang masigurong ligtas na makauuwi ang mga OFW. Sa pinakahuling datos, nasa 1,200 OFWs na ang napauwi sa bansa sa ilalim ng whole-of-government approach.
Pagdating sa Pilipinas, agad na tinatanggap ang mga OFW at binibigyan ng tulong tulad ng pinansyal, psychosocial, at legal assistance, pati na rin mga programang pang-reintegrasyon upang matulungan silang makapagsimulang muli.
Source: PIA CALABARZON