Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Calatagan bandang 1:30 ng hapon ngayong Linggo, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, patuloy na minomonitor ng ahensya ang naturang insidente upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa apektadong lugar. Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat na pinsala sa mga ari-arian o nasaktan dulot ng pagyanig.
Pinapayuhan naman ang publiko na manatiling alerto at maging handa sa mga posibleng aftershocks. Ipinapaalala rin ang pagsunod sa mga safety protocols sa panahon ng lindol upang maiwasan ang anumang sakuna.
Source: Batangas News