Nagkamit ng pinakamataas na parangal ang bayan ng Los Baños matapos itong tanghaling grand champion sa katatapos lamang na Sayawit sa Anilag Festival Level Up!

Bilang kampeon, tumanggap ang grupo ng halagang P1 milyon na premyo. Bukod dito, makatatanggap din ng karagdagang P1 milyon ang lokal na pamahalaan ng Los Baños bilang pagkilala sa kanilang natatanging suporta at pakikiisa sa nasabing patimpalak.

Samantala, pumangalawa ang bayan ng Calauan, habang pumangatlo naman ang San Pablo City, na kapwa nagpakita ng kahanga-hangang husay sa sayaw at awit na sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan ng Laguna.

Ang Sayawit ay isa sa mga tampok na aktibidad ng Anilag Festival na layong ipakita ang mayamang sining, talento, at tradisyon ng mga bayan at lungsod sa lalawigan.

Source: Laguna News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *