TINAMBAC, Camarines Sur — Tiniyak ni Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang proteksyon at suporta para sa mga batang sangkot sa umano’y kaso ng pang-aabuso at harassment sa Barangay Caloco.

Nag-ugat ang aksyon ng Pangulo matapos kumalat sa social media ang video ng isang estudyante na humihingi ng tulong. Agad niyang ipinag-utos sa Philippine National Police (PNP) ang pag-deploy ng mga pulis sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga biktima habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Samantala, tiniyak ng PNP Tinambac na magiging patas ang imbestigasyon at papanagutin ang sinumang mapatunayang may sala. Pinangakuan din ng Pangulo ang mga bata na hindi maaantala ang kanilang pag-aaral at patuloy silang susuportahan ng pamahalaan.
Source: PIA Bicol Region